• Pambatang Diksiyonaryo
  • A
    png
    1. unang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na ey
    2. unang letra o titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na a
    3. grado o marka na ang ibig sabihin ay pinakamahusay o natatangi
      hal “Ang matalinong bata ay nakakuha ng A sa pagsusulit sa matematika."

  • a·ba·ká
    png
    1. uri ng halamang saging na katutubo sa Filipinas at pinagkukunan ng himaymay para sa paggawa ng lubid
    2. puting himaymay mula sa halaman na ginagawang lubid, tela, sinamay, basket, at katulad

  • a·ba·ká·da
    png
    1. paraan ng pagsulat ng mga Tagalog at gumagamit ng dalawampung titik
      hal “Tinuruan muna ang bata ng abakáda para makapagsulat ng mga simpleng salita.”
    2. mga titik ng wikang Tagalog na inayos nang sunod-sunod

  • a·ba·lá
    pnr
    1. may ginagawa
      hal “Abalá ang ina sa pagluluto para sa hapunan.”

  • a·bá·la
    png
    1. sandaling paghinto sa gawain
      hal “Abála sa pag-aaral niya ang paglalaro sa computer.”

  • a·ban·do·ná
    pnd
    1. pabayàan; íwan
      hal “Mali ang abandonahín ng magulang ang kaniyang anak.”

  • a·ban·do·ná·da
    pnr
    1. pinabayaan; iniwan, a·ban·do·ná·do kung laláki
      hal “Inampon ng mag-asawa ang dalagitang abandonáda.”

  • a·báng
    png
    1. tao na naghihintay
      hal “Ang nanay niya ang abáng ng bata pagkatapos ng klase.”
    2. bagay na ginagamit panghintay
      hal “Abáng ng mangingisda ang kaniyang lambat.”

  • a·bá·no
    png
    1. makapal na rolyo ng hinihithit na tabako; tabáko
      hal “Madalas humithit ng abáno si Lolo.”

  • a·bán·se
    png
    1. súlong1
      hal “Dahan-dahan ang abánse ng mga mag-aaral sa harap ng entablado.”
    2. asénso2
      hal “Kahil mabagal ang abánse niya sa buhay, masipag at matiyaga pa rin siya.”